isa sa mga masadyang okasyon sa aming dorm (na guest house rin) ay ang pagtipon-tipon ng mga estudyante (at fakulti rin) sa lobby (na siya ring lugar ng kainan at pag-aral) matapos makabalik mula sa kani-kaniyang mga (panggabing) klase. kahit medyo pagod ang katawan at isipan nagkakaroon pa rin ng puwang ang ‘malalim’ na diskusyon. minsan.
hindi ko alam kung paano sumabad sa aming usapan si saussure noong napag-usapan ang sira (ngunit nagagamit pa rin) na dispenser ng malamig na tubig na sinasagisag ng kulay na ‘blue.’ basta may nagtanong na lang kung bakit ‘blue’ at hindi ibang kulay ang tagasagisag ng ‘cold’ na tubig. dahil binabasa ko noon si ferdinand de saussure at ang teorya ng iba pang mga istrukturalista, ipinaliwanag ko ang konsepto ng ‘arbitrary’ at ‘relational’--- na nagkagayon ang kahulugan ng ‘blue’ dahil sa kanyang relasyon sa kulay ‘red’ (sumasagisag ng ‘hot’) sa topiko na temperature. kaya nga tinawag na arbitrary dahil walang direkta at inherent na kahulugan, ito ay dapat pang pagkasunduan. kung magkakasundo lang naman kami, e pwede naming gawing ‘red’ ang sa ‘cold’ at ‘blue’ ang sa ‘hot.’
sa pananaw ng isa naming kasama (na kumukuha ng psychology at mas komportable sa ‘permanenteng’ kahulugan) magulo at komplikado ang ganitong sistema ng pagpapakahulugan. e, bakit hindi pwedeng may isa na lang napagkakasunduan? oo nga ano? bakit hindi pwede?
noong nakaraang lingo lang isang biker ang binangga ng drayber ng multi cab habang pareho silang bumiglang-liko sa krosing na may traffic lights sa isang bahagi ng akademik oval. tanong? bakit nagkabanggaan gayong meron namang senyas ng paghinto (red) at pagtakbo (green), isama pa ang paghahanda (yellow)? nagkamali ba si sausser sa pagpapakahulugan?
balik sa dorm (na guest house rin). dito pa nga lang sa espasyong aming tinitirhan ang lahat halos ay walang permanenting kahulugan. sa espasyong ito, kami ay maaaring maging estudyante o fakulti; maaaring tawagin sa pangalang ‘john’ o ‘sir’ (opposite ng ‘ma’am’) depende sa konteksto ng pag-uusapan. (salamat at wala pa akong naririnig na ‘toto,’ ‘nonoy,’ ‘day,’ o ‘ne’ dahil iba na namang usapan ‘to.) sa espasyong ito, kami ay maaaring empleyado (ng upv) at ordinaryong dormer/border lang (ng upv guest house). sa espasyong ito, ang ‘lobby’ ay pwede naming gawing ‘study area’ at ‘kainan’ (o chikahan ng “wala lang:” churbachurbs ayon sa gayspeak na bago ko lang nalaman sa espasyo ding ito na aking sinusulatan). nag-uusap din kami para desisyonan ang buhay at kapalaran ng dalawang pusa na siyang pumalit kina winter (puti ang kulay at bluish ang mga mata) at bebang (orange at puti). sa ngayon, hindi pa namin sila nabibinyagan ng pangalan at wala pang desisyon kung kailan itatapon sa knl (krus na ligaw)--- o, huwag niyong sabihing ‘nagkamali’ na naman ako ng pakahulugan dahil imbis na ligas ay ligaw?
at ano naman ang kabuluhan kung bakit pinag-usapan ang pagbibigay ng kahulugan? sagot ni rhett butler, “frankly, my dear, i don’t give a damn!” susundan ng katahimikan. espasyo. tapos alingawngaw. titingin sa kalangitan si scarlett o’hara at (performatibong) babanggitin ang “tomorrow is another day.” end. finis. tapos na. it is finished. consummatom est.
nabuo na ang bagong kahulugan.

ibig po bang sabihin, nagkakaroon ng bagong kahulugan ang isang sailta base sa panahon at espasyo kung saan ito kasalukuyang ginagamit?
ReplyDeletesa kasalukuyan, ano na po ba ang kahulugan ng phrases na, " student activism" at "student activist"?
kailangan po bang mag-rally, lumahok sa mga demonstrasyon, at magkaroon ng paninindigang salungat sa mga sinasabi ng awtoridad(halimbawa, gobyerno, administrasyon ng eskwelahan)?
p.s. ngayon alng po ako naka.comment ulit, hinugyaw po kasi ngayon sa UPV, busy last week sa preparations at cheering practices ng redbolts. :)
nakasandig sa linguistics ang pananaw ni saussure. lahat ng kahulugan ay arbitrary, so walang one-to-one correspondence and salita at kahulugan (signifier at signified meaning, kanyang termino).relational ang kahulugan. so dapat munang malaman ang field ng ginamitan ng salitang "student activism." halimbawa sa sentence na "Student activism is now passe." nagkaroon lamang ng kahulugan ang salitang "student activism" dahil sa relasyon nito sa mga salitang "is," "now" at "passe."
ReplyDelete(Pero siyempre ibang usapn naman kapag dinala sa poststructuralism at deconstruction ang paglikha ng kahulugan)