unang lumitaw ang salitang asug sa sulat ni francisco ignacio alcina (1668), isa sa mga paring heswita na nagdokumento ng kultura ng mga bisaya. nanatili siya sa bisayas ng 35 taon, mula noong taong 1637 hanggang 1670, ang mahabang taon dito ay sa samar at leyte, para isulat ang kanyang historia de las islas e indios de bisayas. ang mga sumusunod na saling-sipi ay mula sa kanyang libro:
[a]s far as their priests or petty sacrificers, who were of two different classes and who in ancient times had two names, i have discovered with very little doubt that they were commonly women and not men. if there was some man who might have been one [i.e. priest], he was called asug, as they put it;…
at
although their priestesses were ordinarily women selected by the devil… some effeminate men were also chosen by him and were called asug in their antiquity. what they commonly say about these asug is that they were impotent men, incapable of entering into marriage. so they never married; but rather they used women as shield to better hide their deficiency and consorted more with men than with women. if, per chance, these were hermaphrodites they were not able to tell; since in their ancient times they did not have knowledge about such individuals.
ang unang naging babaylan, ayon kay rosario cruz-lucero ay isang babae, si mungan.
si mungan, na hipag ni matabagka, ang pinakaunang mortal na pinagkalooban ng mga diwata ng kanilang banal na pagkain. dahil siya’y maysakit na ketong, iniwan siya ng kaniyang asawang si banlak, kapatid nina agyu’t matabagka, nang magsilikas ang mga manobo patungong bundok. nang balikan siya ni leno, isa pang kapatid ni agyu, upang bahaginan ng pagkain, tinanggihan niya ang tulong nito. nang iwan siya ng kaniyang asawa’y biniyayaan siya ng mga diwata ng nganga, ang kanilang banal na pagkain. naging buo’t bulawan (ginintuan) ang katawan niya kaya’t di na kailan pa man mangangailangan ng karaniwang pagkain ng mortal na tao.
ngunit sa pagdating ng mga kastila, may pagbabago nang naganap. mapupuna ito sa salaysay ni francisco colin dahil marami nang paraan para maging isang babaylan.
[s]ome were priests by inheritance and relationship; others by dexterity with which they caused themselves to be instructed and substituted in the office of famous priests… others were deceived and made a compact with him (the devil) to assist and to hold converse with him…
ganito rin ang pananaw ni alcina sa mga babaylan:
satan was, is and always will be ‘the father of lies’ and a great artisan of deception, who is so constant and even consistent in this role everywhere. it seems that he brought to these islands…his ministers, let us call them priests or priestesses… those who deceived them most and led them from one falsehood to another, mingled with not a few indecent, vain and deceitful superstitions.
gamit ang istilo at lente ng mga historyador ng classical antiquity at naturalistang naratibisasyon (ayon sa kanyang dalawang editor na sina kobak at gutierrez), itinuon ni alcina ang titig sa isang ‘piping indio’ na kanyang nakilala sa sulat, ibabaw sa samar. (dahil ito ay attempt sa etnograpikong pamamaraan, minabuti kong sipiin ang apat na talata na dedikado sa indiong ito na kinilalang isang asug.)
now, they (people of samar, borongan perhaps) related as a fact that there was such one (asug) in a certain town. i do not know this for sure, because it is difficult to ascertain matters of this nature and which are so secret. what more, they very easily deny all this anyway. what is true is that the said asug behave more like women than men in their manner of living, walking, and even in performing certain tasks. some of them apply themselves or are engaged in womanly tasks such as weaving, needle work, etc. as regards to their dress, although they did not wear sayas, for the women in ancient times did not wear these, they did wear some sort of a lambung, as they called here. this is a kind of long gown reaching to the feet; as a result, they were always recognized by this vesture.
i shall speak of what i saw in a town of ibabaw, called sulat, where a native mute lived and who was called asug. they said that had he lived in the ancient times, he sure would have been daitan. he was so effeminate that in everything he looked more like a woman than a man; they even say that he had the mentioned deficiency. his manner of dress reached down to his ankles worn under the said lambung. he did all the things that the women do, such as weaving blankets, embroidering, sewing clothing, making pottery---all occupations of women. he also danced as well as they did and never like a man, whose dancing is quite different; in all things he was more of a woman than a man. he fled from the women altogether, so much so that he did not even allow his own relatives to be near him, especially when sleeping. similarly, he also shunned men; he would never allow himself to be touched, nor would even bathe in anyone’s presence.
even though he was mute, he was extremely intelligent and made himself understood through his own signs. once people caught on to these motions, he was well understood and explained himself remarkably well.
i confessed him sometimes in such a manner and obtained a satisfactory knowledge about his sins; however, as regards to the sixth commandment, nothing has surfaced at all. in fact, should he be asked about such matters, he would become agitated and remain silent. or again, if someone spoke to him, in jest, about some joke or an off-color matter, he indicated his resentment through some motions and covered his eyes with his hands as if ashamed of such things. this is what they say about their asug and who they were in the olden times. all those who were such, performed their tasks of sacrifices since (it was believed that the diwata selected them for this ministry).
kay alcina, haka-haka lamang ang homosekswalidad at ang kaakibat na gawain dito:
never in their ancient times was it known that there was sodomy. although from the asug, about whom we have spoken, something was suspected, because they were seen avoiding women and getting attached to men, however, nothing indecent regarding this matter is reported about such. now if something of this sort is found, they got it from their more frequent dealings with the chinese. this is a nation well-known for this and even completely corrupted by this ugly vice; or from their dealings with some spaniards who, having give themselves to the vice in this regard, do not seem to be satisfied with the ordinary venus.
sa banda rito at hindi sa banda roon maaari nating sipiin ang sinulat ng mga editor (kobak at gutierez) ni alcina na ayon sa kanila siya ay may
apparent carelessness regarding the bisayas words, phrases, sentences that are cited in the text. oftentimes, the terms or words just lumped together, with numerous other inconsistencies.
mula sa manifestong sinulat ni andres bonifacio na pinamagatang “ang dapat mabatid ng mga tagalog ay mababasa ang mga sumusunod:
ano ang nararapat nating gawin? ang araw ng katuiran na sumisikat sa silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin, angliwanag niya’y tanaw sa ating mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. ytinuro na katuiran, na wala tayong iba pang maantay kundi lalut lalung kahirapan, lalut lalung kataksilan, lalut lalong kaalipustahan at lalut lalung kaapihan. ytinuro ng katuiran, na huag nating sayangin ang panahon sa pagasa sa ipinangakong kaguinhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. ytinuro ng katuiran ang tayo’y umasa sa ating sarili at huag antain sa iba angating kabuhayan. ytinuro ng katuiran ang tayo’y magkaisang loob magka-isang isip at akala at ng tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing sa ating bayan.
Thursday, February 11, 2010
pambansang bolitas
“si rizal ang bolitas ng bansa, natutunghayan ito sa katawan ng supling na bansa, na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring itinatanghal bilang pangunahing mamamayan dahil sa teknolohiya ng mekanismo ng mass production. pinamulan ito ng publikasyon ng kanyang nobela at ng litrato ng kanyang execution.” (roland tolentino, sipat at kultura)
itinuring ni roland tolentino si rizal bilang isang ‘dangling signifier’ (tulad ng ari) na nagpapakahulugan ng adhikaing pambansa. ang lahat na may kinalaman sa kanya ay nagkaroon ng estado ng pagiging iconic. halimbawa, tunghayan ang kanyang paliwanag sa icon o artifact na larawang kuha ilang minuto bago barilin si rizal sa luneta:
sa pamamagitan ng litrato, inaalaala at nililimot ang mga bagay-bagay. kakatwa ang litrato ni rizal dahil tila wala itong nililimot. sa muli’t muling pagbabalik-tanaw, ang litrato ay lumilikha ng familiaridad. kaya nagiging emotive ang antas ng ugnay ng litrato. parating may gustong balikan, isang ideal na nakaraan na nakuha ng sandali ng pagkuha ng litrato. ang litrato ay kulminasyon ng pagbibiyahe ng indibidwal, grupo at bansa; at naghuhudyat din ito ng patuloy na pagbiyahe sa kamalayan at alaala ng mga tumatanaw dito. ito ay dokumento ng nakalipas, na kahit hindi natin personal na kilala si rizal ay nagiging parang kapitbahay man lang natin siya. gayundin, ito ay dokumento ng memorialisasyon. hindi ordinaryong tao, okasyon at lugar ang sangkap sa litrato. bawat isa’y memorialisasyon ng pribado at publikong alaala. sa litrato ni rizal, hindi ipinapalimot ang kadakilaan ng bayani at ng historikal na sandali sa ugnayan nito sa bansa.
isang karakter ng postmodernong kondisyon ang mababanaag sa pakahulugan sa itaas. ito ay ang nostalgia kung saan ang absent ay muli at muling nililikha kahit na hindi masaid-said ang pagpapakahulugan. kahit na palaging kontradiktoryo ang kahulugan. ang nostalgia ay nagpapahiwatig ng distansya, ng konsepto ng layo na hindi naman malayo. sa katunayan, pilit na inilalapit.
sa gramatica de la lengua tagala ni fr. manuel buzeta (1850) mababasa ang “icaanim na otos” kung saan nakasaad kung paano (lamang) gagamitin ng katutubo ang kanyang katawan.
ang mga casalanang ypinagcacasala sa ycaanim na otos nang p. dios.
ang paghahalic at pagdaramahan nang cataouan, bocod sa pagdarating nila.
ang nagtitipang magaagolo, matoloy ma,t, dili man caya
ang nagpapataon sa canyang bahay sa magcalunya, at ang nagbabantay, at ang manga caalam sa gayong gaua.
ang mga nagpaparangalan nang manga calibogan niya.
ang nagpapasoloha,t, ang nagsosogo.
ang gungmagalao, at nagbubutingting nang caniya, sa yba cayang cataouan: linabasan man at diman.
ang tumatangui sa asawa, lalaque ma,t, babayi man, cun nahalata,t calooban nang cataoan nang asaua.
ang mag asauang nagpapaanyo sa pag-aapid, na sucat di ypaglihi nang babayi.
ang naquiquilaro sa capoua lalaqui, at sa capoua caya babayi nang anomang cahalayang asal.
ang tiquis congmacain nang anomang ycasosolong nang calibogan.
ang nagpuit, o cun napapuit caya, o cun nagcasala sa hayop.
itong mga nabanggit na bawal na paggamit sa katawan ay pinalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya ng kumpisyunal. sa pag-aaral na ginawa ni francis gealogo (1994) nabanggit niya rito kung paaano ginamit ng simbahan ang kumpisalan:
ang pagsasambit ng lahat ng kasalanan na maaaring isagawa ng mga tao ay kalimitang ipinapahayag bilang kasagutan sa mga tanong (ng pari). ang lahat ng mga ito ay naaayon sa pagpapakahulugan ng mga teksto sa mga kasalanang maaaring maisagawa ng isang tao. ang pagpapakahulugang ito, sa kabilang banda, ay nakakawing naman sa mga doktrinal na paniniwala ng katolisismong espanyol at ng mga tradisyon ng simbahan. sa ganitong kaso, ang kasalanan na kaugnay ang sekswalidad ay tinitingnan bilang bahagi ng pagtatakwil sa ikaanim na utos ng diyos. kahit na ang kautusan ay ang pagbabawal lamang sa pakikiapid sa hindi asawa, pinalawak ng mga pormularyo ang lahat ng maaaring hanay at halayhay na kaugnay sa sekswalidad.
sa account ni jean mallat, isang french traveller sa pilipinas: “husbands cared little to find in their wives that flower so precious in the eyes of the europeans; they even considered themselves very lucky when a former suitor had spared them the effort of the expense, we say the expense, for there were men whose profession was to deflower the dalagas and who were paid for it…”
ito ay patunay ng hindi lubos na pagkakasakop ng mga kastila sa kultura ng mga pilipino. siyempre pwede pa nating isama dito ang ilan pang sekswal na praktis tulad ng pagiging “uragan” ng mga babae dahil nakikipagtalik sila sa iba’t ibang lalaki, o sa kapwa babae; ang paggamit ng mga gadget tulad ng bolitas at pin na pinaniniwalang nakakatulong sa pagbibigay ng dagdag na kasiyahan at ang pagiging natural na polygamous ng mga lalake. ang mga ito ay pinatutunayan, hindi lang ng sugidanon at iba pang epiko ngunit pati na rin ng mga sulat ni antonio de morga (1806), isa sa mga nagtala ng mga pangyayari sa pilipinas noong 17 dantaon.
the women both married and otherwise, are not so chaste, while the husbands, parents and brothers are scarcely jealous or careful regarding this matter. men and women are covetous and money-loving, so that when there is a price, they easily yield and when the husband catches his wife commiting infidelity, he is appeased and satisfied without difficulty. some of those who have associated with the spaniards and who desire to appear more cultured than the others, have sometimes been known to have killed the adulterers.
marahil ang katawan para sa kanila ay katawan lamang, binubuo ng buto’t laman. hindi sagrado. sa katunayan, maaaring paglaruan. basahin halimbawa ang sulat ni antonio morga:
[t]he natives of the islands of the tattoed people or visayas are driven to vicious practices and sensuality, and their instincts have led them to invent sordid ways for men and women to get together intimately. they have acquired a bad habit from youth, the boys making an incision or hole in their private organ, close to its head, and attaching to it a sort of snake-head metal or ivory, which is secured to the hole made in the organ, by means of a device of the same substance to keep it in place.
pero hindi lamang inimbento ito para sa kaligayahan ng lalaki. ayon kay henry william scott (1995) parehong babae at lalake ang nakikinabang dito. ‘[i]n use, these ornaments required manipulation by the woman herself to insert, and could not be withdrawn until the female organ was completely relaxed.” naging parehong espasyo ito para tunguhin ang isang kasiyahan (at kasakitan din) na walang pagbabawal, malayo sa titig ng autoridad na kastila. mababasa sa ugnayan ng dalawang katawan (babae at lalake), mediated ng teknolohiya ng pin/bolitas, ang ambigwidad ng kasarian, ng kapangyarihan ng babae at lalake. dagdag ni tolentino, ito ang “tulay sa pagitan ng kalikasan at kultura, pasakit at alindog, tao at hayop, pakiramdam at instinkto, produksyon ng kasiyahan at reproduksyon ng pamilya, at iba pa. ang objek ay integral na pagsanib nitong mga oposisyon, paglikha ng liminal na erya ng karanasan.”
Thursday, February 4, 2010
pacman sa karnabal
sa aking pagsisimulang pag-enter ng mga naunang mga letra ng pangalan ni manny pacquiao sa google ay lumitaw ang entring “manny pacman funny faces” sa drop-in ng homepage. nakyuryos ako kung ano ang makikita kaya sinearch ko. laking gulat ko na lamang nang makita ko ang iba’t ibang mukha ni pacman na ph(in)otoshopped sa iba’t ibang iconik na mga (ka)tauhan tulad ng presidente (gma at obama), artista (mula sa mga poster ng pelikula at telenobela), bayani (rizal at aguinaldo), at singer (michael jackson); sa mga makapangyarihan at di-makapangyarihang imahen tulad ng militar/heneral at malnourished/bata; ang pagiging ulo ng katawang babae at mga ad tulad ng isang makikita sa kahabaan ng edsa na vitwater. napasama rin sa resulta ng search ang larawan ng kanyang asawang si jinkee, inang si donya dionisia at ang mga na na-link na babae tulad ni krista ranillo.
si mikhail bakhtin ang nag-imbento ng carnivalesque na hinango niya sa isang uri ng selebrasyon noong panahon ng medieval sa europa kung saan may nangyayaring ‘pambabastos’ sa sagradong seremonya ng pagtuli (feast of circumcision) sa pamamagitan ng pahapyaw na pagpapakita kung ano ang nasa loob ng kasuutan ng mga taong simbahan. bilang pampanitikang gawain, ang karnibalisasyon ay ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pagbabaliktad ng pangyayari; kung saan ang mga mahihina ay nagkakaroon ng kapangyarihang ilagay sa di-estable ang mga malalakas---ang mga payaso ay nagiging hari, ang hari nagiging pulubi, at ang magkabilaan ay napagsama-sama: langit at impyerno, fiksyon at realidad.
ang mga larawang katatawanan ni manny pacquiao ay walang dudang isang uri ng karnibalisasyon at karnibalistang penomenon. nagbibigay ito ng oportunidad na malikha ang textong subersibo sa hegemonikong uri at rasa. ang pagkakaroon ng mahinang boses ng mahihirap halimbawa ay napapabaligtad sa pagkakaroon ng gloria macapacquiao-arroyo na presidente . kahit na ang isa pang gustong pakahulugan ng imahen ay ang di pagsang-ayon ng pilipino sa lantarang pagdikit (kahulugan: sumasakay sa popularidad) ng pangulo sa boksingero. sa katunayan, ginamit pa nga si pacman at ang trope ng boksing noong nakaraang sona 2009. lumilikha ang larawan ng paradoksikal na rekognisyon: pagkilala kay gma at manny bilang iisa, parehong boksingero/boksingera at presidente. para itong paglalapat ng dalawang palapag ng malakanyang sa kabila ng pagkakaroon ng matibay at di natitinag na mga haligi---ang parehong paggalaw ng horizontal at vertikal na linya ng (re)presentasyon.
pagsasadiskurso naman ng orientalismo at imperyalismo ang nasa obama(nny) na presidente. sinususugan ito ng larawan ng dating presidente ng amerika na si george w. bush na hawak-hawak ang ‘sanggol na manny’. sa nauna, ang gusali ng kapitolyo ng amerika na nasa likuran ng naka-amerikanang si pacman ay semiotikal na nag-iisa ng politika at laro na parehong ginagamit na aparatus ng panlulupig ng kolonisador (hindi ba’t ang boksing ay imported din na laro katulad ng liberal demokrasya na siyang sistemang ipinalulon sa mga pilipino). samantalang ang ikalawang larawan ay nagmamarka ng estado ng pagiging ‘little brown brother’ ng mga pilipino sa mga kano. ang pagkakaroon ng pribilihiyadong posisyon ni bush na nagtakda ng kanyang pagiging ‘ama’ (ng amerika) ang siya namang naglaglag kay manny para maging ‘ampon’ ng amerika---echo ng benevolent assimilation--- sa kabila ng mukhang napipilitang mukha ni bush. malapit din ang pakahulugang ito sa larawang karga-karga ni freddie roach (puti/coach) si pacman (may kulay/player).
isang pananakop ng iba (other) ang lumalabas na nangyayari sa semiotikal na basa sa paglilipat ng mukha ni pacman sa mga artista. ang pagkakaroon ng mahirap at asyano/may kulay na artista ay nakamit sa pagsuspende ng realidad at maipantay sa fiksiyonal. si pacman ay naging toby maguire/spiderman, hayden christianson/skywalker (star wars), robert downey jr./ironman, robert pattinson (twilight), vigo mortensen/king aragon (lord of the rings).
walang buong (whole) kahulugan ang salitang “pacman” o “manny pacquiao”. ito ay naging texto na at mitolohikal nang humahakop ng mga kahulugan. ang larawan na nagpapakita ng mukha ng nanay ni pacman at ng hiram na magandang katawan ng isang artista katabi ang may sekswal na konotasyong pamagat ng pelikula (katursi na dapat sana’y katorse) ay nagsasadiskurso ng idea ng edad at kagandahan. karaniwang tinitignan na hindi hiwalay ang edad sa kagandahan. kung mas bata, mas maganda---kaya nga’t ‘katorse’. (higit pa itong pagtataas ng lebel ng halagahan sa ekonomiya ng katawang binibenta dahil nga nagsisimula pa ito sa ‘dise’---disesyete, diseotso, disenuebe.) paradoksikal nga lang ang sinasabi ng imahen dahil hindi na ‘katorse’ si nanay dionisia. ang ‘katorse’ lamang sa kanya ay ang aspirasyon na makamit ang estado ng pagiging ‘katorse’. ngunit kahit nananatiling nasa liminal na kondisyon ang hangaring ito, naging higit na problematiko pa ito dahil sa interbensyon ng etnolinguistiko niyang posisyon---kaya nga ‘katursi,’ ang pagbago ng ‘o’ sa ‘u’ para imarka ang kanyang pagiging labas sa sentro (maynila sa partikular),pagiging vernakular/rehiyunal. konektado pa rin ito sa ad ng vitwater kung saan sinabi ng pacman na, “i drink vitwater all day, everyday, you know” na isa ring karnibalisasyon ng wikang english. samakatwid, temporaryong akomodasyon lamang ang ibinibigay ng sentro sa nanay ni pacman, akomodasyong diktado rin ng kanyang ‘biglang-angking’ ekonomikong mobilidad na nakaangot pa sa popularidad ng boksingerong anak.
sa kabilang banda, ang asawang si jinkee ay siyang naging si kirsten stuart sa twilight at si pacman naman si robert pattinson. pero imbis na panatilihin ang orihinal na pamagat pinalitan ito ng toilet para burahin ang mistisismo ng bampira at dalhin sa katatawanang dala-dala ng pangalang ‘toilet.’ maliban sa iconic na mukha ni pacman nagsilbing anchorage ng boksing ang nakasulat na “para sa ‘yo ang laban na ‘to” na ngayo’y nagkaroon na ng iba’t ibang kahulugan. maitanong na: para ba sa bayan? para sa nagbabasa/nakatingin? o para sa asawang si jinkee? ang salitang ‘laban’ ay lumabas na rin sa pakahulugan nitong orihinal na boksing. nagkaroon na ito ng sekswal na pakahulugan at ang ‘pagboboksing’ ay maaari nang mangyari sa pagitan ni pacman/pattinson at jinkee/stuart. diskursibo din ang pagkakaroon ng amerikanang buhok ni jinkee, sa gayon napupunan nito ang pambansang pantasya na makipagtalik sa iba (other) ng pilipino. na dapat pang abangan soon.
ang ph(in)otoshopped na mga imahen ni pacman ay re-presentasyon ng hegemonikong ideolohiya na namamayani sa pilipinas. ang karnibalisasyong nangyari ay pagbaliktad sa ideolohiyang ito upang mailantad ang mitolohikal na paghaharing nakapaloob sa isyu ng uri at lahi. ang pag-iisang imahen ni pacman at jose rizal ay pag-iisa rin ng mga pilipino sa adhikain ng pambansang bayani. nakamit ito sa pagkamit rin ng textong pacman bilang ‘pambansang kamao.’ mediated ito ng postura ni rizal bilang ilustrado/edukado na siyang pambansang adhikain ng bayani sa sinabi niyang “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”
nakapaloob din itong adhikain sa limang piso kung saan ang mukha ni emilio aguinaldo ay naging mukha ni pacman at ang unang seremonya ng pagpa-akyat ng pambansang watawat ay hinalinhinan ng larawan ni pacman na nakikipaglaban sa loob ng ring. hindi na kailangang palitan ang larawan ng naghihiyawang mga tao. ang magkaibang panahon at lugar ay nagkaroon ng postmodernong estado para maartikula ang mitolohikal na pag-iisa ng seremonya at laro, ng politikal at personal.
ang hindi pagkakatupad ng adhikain ni rizal at pagsasarili ni aguinaldo ang pagkakaroon ng mga larawang nagpapakita ng mukha ni pacman sa katawan ng batang busdik ang tiyan (kasama ang isa pang batang busdik din ang tiyan) at matatandang parang biktima ng gutom (kasama ang textong ‘let’s help fight malnutrition in pacland) ang resulta nitong kabiguan ng lahing pilipino na mailagay sa ayos ang ekonomiko at politikal na kondisyon ng sambayanan. nilusaw na ng imahen ang texto ni pacman bilang matagumpay na boksingero na kumikita ng milyon milyong piso sa kada laban. si pacman ay naging ordinaryong pilipino na nakararanas ng gutom at kaapihan mula sa iba’t ibang institusyong panlipunang nanilbihan sa interes ng naghaharing uri at mapanakop na lahi.

Subscribe to:
Posts (Atom)