sa aking pagsisimulang pag-enter ng mga naunang mga letra ng pangalan ni manny pacquiao sa google ay lumitaw ang entring “manny pacman funny faces” sa drop-in ng homepage. nakyuryos ako kung ano ang makikita kaya sinearch ko. laking gulat ko na lamang nang makita ko ang iba’t ibang mukha ni pacman na ph(in)otoshopped sa iba’t ibang iconik na mga (ka)tauhan tulad ng presidente (gma at obama), artista (mula sa mga poster ng pelikula at telenobela), bayani (rizal at aguinaldo), at singer (michael jackson); sa mga makapangyarihan at di-makapangyarihang imahen tulad ng militar/heneral at malnourished/bata; ang pagiging ulo ng katawang babae at mga ad tulad ng isang makikita sa kahabaan ng edsa na vitwater. napasama rin sa resulta ng search ang larawan ng kanyang asawang si jinkee, inang si donya dionisia at ang mga na na-link na babae tulad ni krista ranillo.
si mikhail bakhtin ang nag-imbento ng carnivalesque na hinango niya sa isang uri ng selebrasyon noong panahon ng medieval sa europa kung saan may nangyayaring ‘pambabastos’ sa sagradong seremonya ng pagtuli (feast of circumcision) sa pamamagitan ng pahapyaw na pagpapakita kung ano ang nasa loob ng kasuutan ng mga taong simbahan. bilang pampanitikang gawain, ang karnibalisasyon ay ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pagbabaliktad ng pangyayari; kung saan ang mga mahihina ay nagkakaroon ng kapangyarihang ilagay sa di-estable ang mga malalakas---ang mga payaso ay nagiging hari, ang hari nagiging pulubi, at ang magkabilaan ay napagsama-sama: langit at impyerno, fiksyon at realidad.
ang mga larawang katatawanan ni manny pacquiao ay walang dudang isang uri ng karnibalisasyon at karnibalistang penomenon. nagbibigay ito ng oportunidad na malikha ang textong subersibo sa hegemonikong uri at rasa. ang pagkakaroon ng mahinang boses ng mahihirap halimbawa ay napapabaligtad sa pagkakaroon ng gloria macapacquiao-arroyo na presidente . kahit na ang isa pang gustong pakahulugan ng imahen ay ang di pagsang-ayon ng pilipino sa lantarang pagdikit (kahulugan: sumasakay sa popularidad) ng pangulo sa boksingero. sa katunayan, ginamit pa nga si pacman at ang trope ng boksing noong nakaraang sona 2009. lumilikha ang larawan ng paradoksikal na rekognisyon: pagkilala kay gma at manny bilang iisa, parehong boksingero/boksingera at presidente. para itong paglalapat ng dalawang palapag ng malakanyang sa kabila ng pagkakaroon ng matibay at di natitinag na mga haligi---ang parehong paggalaw ng horizontal at vertikal na linya ng (re)presentasyon.
pagsasadiskurso naman ng orientalismo at imperyalismo ang nasa obama(nny) na presidente. sinususugan ito ng larawan ng dating presidente ng amerika na si george w. bush na hawak-hawak ang ‘sanggol na manny’. sa nauna, ang gusali ng kapitolyo ng amerika na nasa likuran ng naka-amerikanang si pacman ay semiotikal na nag-iisa ng politika at laro na parehong ginagamit na aparatus ng panlulupig ng kolonisador (hindi ba’t ang boksing ay imported din na laro katulad ng liberal demokrasya na siyang sistemang ipinalulon sa mga pilipino). samantalang ang ikalawang larawan ay nagmamarka ng estado ng pagiging ‘little brown brother’ ng mga pilipino sa mga kano. ang pagkakaroon ng pribilihiyadong posisyon ni bush na nagtakda ng kanyang pagiging ‘ama’ (ng amerika) ang siya namang naglaglag kay manny para maging ‘ampon’ ng amerika---echo ng benevolent assimilation--- sa kabila ng mukhang napipilitang mukha ni bush. malapit din ang pakahulugang ito sa larawang karga-karga ni freddie roach (puti/coach) si pacman (may kulay/player).
isang pananakop ng iba (other) ang lumalabas na nangyayari sa semiotikal na basa sa paglilipat ng mukha ni pacman sa mga artista. ang pagkakaroon ng mahirap at asyano/may kulay na artista ay nakamit sa pagsuspende ng realidad at maipantay sa fiksiyonal. si pacman ay naging toby maguire/spiderman, hayden christianson/skywalker (star wars), robert downey jr./ironman, robert pattinson (twilight), vigo mortensen/king aragon (lord of the rings).
walang buong (whole) kahulugan ang salitang “pacman” o “manny pacquiao”. ito ay naging texto na at mitolohikal nang humahakop ng mga kahulugan. ang larawan na nagpapakita ng mukha ng nanay ni pacman at ng hiram na magandang katawan ng isang artista katabi ang may sekswal na konotasyong pamagat ng pelikula (katursi na dapat sana’y katorse) ay nagsasadiskurso ng idea ng edad at kagandahan. karaniwang tinitignan na hindi hiwalay ang edad sa kagandahan. kung mas bata, mas maganda---kaya nga’t ‘katorse’. (higit pa itong pagtataas ng lebel ng halagahan sa ekonomiya ng katawang binibenta dahil nga nagsisimula pa ito sa ‘dise’---disesyete, diseotso, disenuebe.) paradoksikal nga lang ang sinasabi ng imahen dahil hindi na ‘katorse’ si nanay dionisia. ang ‘katorse’ lamang sa kanya ay ang aspirasyon na makamit ang estado ng pagiging ‘katorse’. ngunit kahit nananatiling nasa liminal na kondisyon ang hangaring ito, naging higit na problematiko pa ito dahil sa interbensyon ng etnolinguistiko niyang posisyon---kaya nga ‘katursi,’ ang pagbago ng ‘o’ sa ‘u’ para imarka ang kanyang pagiging labas sa sentro (maynila sa partikular),pagiging vernakular/rehiyunal. konektado pa rin ito sa ad ng vitwater kung saan sinabi ng pacman na, “i drink vitwater all day, everyday, you know” na isa ring karnibalisasyon ng wikang english. samakatwid, temporaryong akomodasyon lamang ang ibinibigay ng sentro sa nanay ni pacman, akomodasyong diktado rin ng kanyang ‘biglang-angking’ ekonomikong mobilidad na nakaangot pa sa popularidad ng boksingerong anak.
sa kabilang banda, ang asawang si jinkee ay siyang naging si kirsten stuart sa twilight at si pacman naman si robert pattinson. pero imbis na panatilihin ang orihinal na pamagat pinalitan ito ng toilet para burahin ang mistisismo ng bampira at dalhin sa katatawanang dala-dala ng pangalang ‘toilet.’ maliban sa iconic na mukha ni pacman nagsilbing anchorage ng boksing ang nakasulat na “para sa ‘yo ang laban na ‘to” na ngayo’y nagkaroon na ng iba’t ibang kahulugan. maitanong na: para ba sa bayan? para sa nagbabasa/nakatingin? o para sa asawang si jinkee? ang salitang ‘laban’ ay lumabas na rin sa pakahulugan nitong orihinal na boksing. nagkaroon na ito ng sekswal na pakahulugan at ang ‘pagboboksing’ ay maaari nang mangyari sa pagitan ni pacman/pattinson at jinkee/stuart. diskursibo din ang pagkakaroon ng amerikanang buhok ni jinkee, sa gayon napupunan nito ang pambansang pantasya na makipagtalik sa iba (other) ng pilipino. na dapat pang abangan soon.
ang ph(in)otoshopped na mga imahen ni pacman ay re-presentasyon ng hegemonikong ideolohiya na namamayani sa pilipinas. ang karnibalisasyong nangyari ay pagbaliktad sa ideolohiyang ito upang mailantad ang mitolohikal na paghaharing nakapaloob sa isyu ng uri at lahi. ang pag-iisang imahen ni pacman at jose rizal ay pag-iisa rin ng mga pilipino sa adhikain ng pambansang bayani. nakamit ito sa pagkamit rin ng textong pacman bilang ‘pambansang kamao.’ mediated ito ng postura ni rizal bilang ilustrado/edukado na siyang pambansang adhikain ng bayani sa sinabi niyang “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”
nakapaloob din itong adhikain sa limang piso kung saan ang mukha ni emilio aguinaldo ay naging mukha ni pacman at ang unang seremonya ng pagpa-akyat ng pambansang watawat ay hinalinhinan ng larawan ni pacman na nakikipaglaban sa loob ng ring. hindi na kailangang palitan ang larawan ng naghihiyawang mga tao. ang magkaibang panahon at lugar ay nagkaroon ng postmodernong estado para maartikula ang mitolohikal na pag-iisa ng seremonya at laro, ng politikal at personal.
ang hindi pagkakatupad ng adhikain ni rizal at pagsasarili ni aguinaldo ang pagkakaroon ng mga larawang nagpapakita ng mukha ni pacman sa katawan ng batang busdik ang tiyan (kasama ang isa pang batang busdik din ang tiyan) at matatandang parang biktima ng gutom (kasama ang textong ‘let’s help fight malnutrition in pacland) ang resulta nitong kabiguan ng lahing pilipino na mailagay sa ayos ang ekonomiko at politikal na kondisyon ng sambayanan. nilusaw na ng imahen ang texto ni pacman bilang matagumpay na boksingero na kumikita ng milyon milyong piso sa kada laban. si pacman ay naging ordinaryong pilipino na nakararanas ng gutom at kaapihan mula sa iba’t ibang institusyong panlipunang nanilbihan sa interes ng naghaharing uri at mapanakop na lahi.

salamat po sa makahulugang post na to. medyo naayon po kasi sa readings namin sa pol sci ang konsepto ng hegemonikong idelohiya, kaugnay na sa subdibisyon na nandyadyan na sa sistema ng sosyedad, tulad na nga lang ng sinabi ninyong etnolingustikong pagkakabukodbukod nating mga Pilipino.
ReplyDeletemay iilang tanong po ako.
hindi po ba isang hegemoniya mismo sa loob ng ating sariling wika, ang pagkukumpara ng "katursi" ni Dionisia, sa dapat sana'y "katorse"? hegemoniya sa aspeto na kahit ang wikang Filipino bilang isang lingua franca, ay naiimpluwensyahan pa rin ng dominanteng wika kung saan ito umugat, ang wikang tagalog.
sabi nga ng prof namin, "internal colonialism".
kailangan nga ba nating ilagay sa pananaw na nag-ugat sa "internal colonialism" ang wikang Filipino at hindi bilang isang wikang nagbubuklod sa lahat? o dabat ba na ang tanong ay, dabat nga bang may lingua franca? kung mayroon nga, dabat nga bang iisa lamang ito?
sa parte naman ng pagkukumpara natin kay rizal, bilang isang imahe ng bayani, hindi ba't may hegemoniya paring kaugnay, kung titingnan natin na si rizal, bilang bayani, ay edukado, ilustrado. isang imaheng pininta mismo ng kanluraning pananaw ng ideyal na bayani na kung ikukumpara ka pacquaio na hindi nakapagtapos ng pag-aaral,at nagmula noon sa mahirap na antas ng sosyedad?
pero, nakakatuwa nga lang na parehong kaluranin din ang ginamit ng dalawa, si rizal sa edukasyon at si pacquiao, boksing.
pwede po bang ikumpara si pacman kay bonifacio, sa pagiging isang bayani?
pwede ko po bang ma.link ang blog nyo sa facebook account ko?
ReplyDeleteito na ang 2nd time na isusulat ko response ko. hindi na to kasing tindi ng nauna. palpak ang blogspot! ilang beses nang nangyari sa akin na nawawala ang aking post.
ReplyDeleteanyway. mabuti naman at pinag-uusapan na dyan sa upv ang hegemony. akla kasi ng mga taga-diliman laidback na tayo. hehe. mabuhay ang iyong prof. malamang nabasa niya si Gramsci at si Althusser.
ang internal colonialism ay maaaring makita sa pagpapalaganap/pagtataguyod ng pambansang wika dahil nga ang pambansang wika ay nakabase sa Tagalog. May kritik si Roland Tolentino tungkol dyan sa kanyang librong Sipat at Kultura. Sa pananaw ni Foucault, merong 'violence' na nangyayari kapag isinulong ang isang kaalaman. Hindi maiiwasan yan.
Lahat ng kaalaman ay nakasandig din sa ideolohiya. Si Rizal bilang ilustrado ay nagtaguyod ng Enlightenment ideas at modernong rasyunalidad. Historically, ang mga idea niya ay sinalo ng kanyang mga kauri at hanggang sa kasalukuyan ay siya pa ring dominante sa ating lipunan.
Si Pacman ay maaaring maging Bonifacio dahil si/ang Pacman ay isa nang texto. Umalpas na sa pag-aari ni Pacman ang salitang Pacman. naging sign na ito na maaaring bigyan ng napakaraming kahulugan.
mabuti at naisipan mong i-link ang site ko sa ibang site. wori lang ako na bka hindi ko ma-update at nakakahiya naman.
sa muli.
pasensya po sa napa.katagal ng pagresponde ko po sa inyong post.
ReplyDeletekakatapos lang kasi ng student council elections dito sa miagao, ng debate competition sa tacloban at ng paper defense ko.
pero, anyway, nabanggit po ng isang teacher namin sa writing class, ang Wordpress. isang site din sya para sa blogs. Blogger din kasi ang teacher na ito, at hinihikayat niya kaming mag.blog. mas maganda po ang wordpress kaysa sa blogspot, ayun sa kanya.
balik sa diskusyon.
natalakay po namin sa klase si althusser. nabanggit siya sa diskusyon ng ideological state apparatus at repressive state appparatus. Si Prof Tom Talledo ang prof na tinutukoy ko.
ano po ba ang kaibahan ng kaalaman sa ideolohiya?
sa anong libro ni Foucault ko po mababasa ang ukol sa "violence" na naibibigay ng kaalaman?